21 Civil Society Organizations, binigyan ng akreditasyon ng Sangguniang Panlalawigan
Ginawaran ng Certificate of Accreditation ng Sangguniang Panlalawigan ang mga Civil Society Organizations sa lalawigan ng Nueva Ecija sa Privilege hour ng kanilang 36th Regular Session, noong September 20, 2022.
Ang mga organisasyon na ito ay kinabibilangan ng:
- Ako ang Saklay, Inc.
- Alalay sa Kaunlaran Microfinance Social Development Inc.
- Carmen Farmers Agriculture Cooperative
- Coalition of Senior Citizens of Nueva Ecija, Inc.
- Guimba Gay Association Incorporated
- Kabuklod sa Kaunlaran, Kabuhayan, Kalusugan sa Bayan ng Laur, Nueva Ecija
- Nueva Ecija Federation of Person with Disabilities, Inc.
- Nueva Ecija Medical Society
- Over-all Tricycle Operators and Drivers Credit Cooperative (Guimba Tricycle Operators and Drivers Credit Cooperative)
- Over-all Tricycle Operators and Drivers Association of Guimba, Nueva Ecija, Inc.
- Pamayanang Nagkakaisa Producer Cooperative (PAMANA)
- Papagayo 1993 Inc.
- Pinagkaisahang Samahang Pangkalusugan ng Nueva Ecija Inc., General Mamerto Natividad Chapter
- Swine Practitioners and Producers Association in Nueva Ecija, Inc.
- Talavera Unlad Farmer’s Association (TUFA)
- United Kabalikat Civic Communicators (KABALIKAT CIVICOM) Association Inc.
- ASKI Foundation, Inc.
- Balite Primary Multi-Purpose Cooperative
- Familia Foundation of Nueva Ecija, Inc.
- Global Peace Festival Foundation Philippines, Inc.
- Outreach Philippines Inc.
Ayon kay Vice Governor Anthony Umali, kabahagi ng Development Council para sa mga proyekto at programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali ang mga Civil Society Organizations na binigyan nila ng rekognisyon.
Kinikilala nila ang aktibong partisipasyon, opinyon, suhestiyon at pakikiisa ng mga organisasyong ito upang mas mapagbuti at mabigyan ng prayoridad ang mga programang nakikita nilang dapat na pagtuunan ng pansin.
Kabilang sa mga suliraning naiparating sa kanila sa tulong ng mga organisasyong ito ang usapin sa pangangalaga sa kalikasan, partikular ang mga poultry owner na hindi sumusunod sa mga protocols kaya naman bilang tugon ay bumuo ng “Task Force Kalikasan” si Governor Oyie na nagmomonitor sa mga ito.
Dagdag ni Vice Gov. Anthony, isang buong termino ang validity ng akreditasyong ipinagkaloob sa mga naturang organisasyon kaya tatlong taon silang makikiisa at makikibahagi sa mga pagpupulong ng Development Council.
Mensahe ni Vice Gov. Anthony sa mga Novo Ecijano, patuloy ang kanilang pagtutulungan upang makapaghatid ng mga serbisyo na ang taong bayan ang tunay na makikinabang.