PILIPINAS, GINAWARAN NG DESTINATION OF THE YEAR AWARD

Iginawad ng Asia-Pacific travel industry event sa bansang Pilipinas ang prestihiyosong Destination of the Year Award na ginanap sa Bangkok, Thailand noong September 22.

Ang parangal na ito ay ibinibigay sa bansang may pinaka malaking effort upang madevelop at ma promote ang turismo sa kanilang bansa.

Ito na ang pangalawang beses na nanalo ang Pilipinas, kung saan nakuha rin ng bansa ang parehong parangal noong taong 2014.

Tinaggap ni Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz Paredes parangal bilang representante ng ating bansa.

Sa kanyang acceptance speech, hinikayat niya ang mga dumalo at nanood sa event na bisitahin ang nasa mahigit pitong libong isla ng Pilipinas upang makita ang ganda ng ating bansa, mayamang kultura at ang mabuting pakikitungo ng mga Pilipino.