Binigyang pagkilala bilang “The Most Promising Young Female Singer of The Year si Kyla Mae Oliveros sa harap ng Filipino Community at Japanese Personalities sa New Otani Hotel, Fukuoka, Japan noong Nobyembre 28, 2018.
Sa panayam ng Balitang Unang Sigaw kay KM, ikinuwento nito na inimbitahan siya ng Japanese Singer na si Emma Cordero para umawit ng Japanese Song bansang Japan na naging dahilan kaya ginawaran ito ng parangal.
Una umanong napakinggan ng Asia’s Princess of Songs na si Emma Cordero ang boses ni KM sa DW1Z 882 sa Pasig sumunod sa Heritage Hotel sa Pasay City.
Humanga ito sa kanya dahil sa husya nito sa pag-awit sa murang edad kaya pinakanta nito ang mga sikat na awitin nito sa Japan katulad ng Ai Wo Agetai (I Wanna Give Love).
Si Kyla Mae Oliveros ay nahilig sa pagkanta sa edad na 3 taong gulang, unang nilahukan nito ay ang Sapang Buho Got Talent ng 2011 na kung saan
Lumahok sa Eat Bulaga Little Miss Philippines noong 2012 at NE Pacific Little Idol 2013 as semi-finalist, taong 2014 naman ng bumalik siya uli sa Eat Bulaga Little Miss Philippines , tinanghal na 1st Runner-up sa Palayan City Amateur Singing Contest 2015, naging finalist din ng Sing-Ka-Galing 2017 at The Voice of Pampanga Stars 2017.
Nakabilang din si KM sa Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon, Inc).
Ibinahagi naman sa amin ng ina ni KM na dahil sa mga raket at guestings nito ay malaki ang naitutulong ng anak nila sa kanilang buhay katulad ng pagpapagawa ng kanilang bahay, maging sa gastusin ng kaniyang ama sa bukid, at natutustusan na rin ni KM ang kaniyang pag-aaral.
Si KM ay parte na ngayon ng virtual Playground at Reality Entertainment na isang Production Company sa Pilipinas na pinamumunuan ni Filipino Film Maker Erik Matti at Dondon Monteverde at may sarili na rin siyang grupo tinawag na Colors.
Payo ni KM sa mga aspirante o nangangarap na maging kapareho niya katulad ng hindi pagsuko sa mga pangarap sa buhay, ang mabigo aniya ay parte rin ng buhay at nandiyaan ang mga magulang na laging nakasuporta at nakaalalay. –Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.