Itinanghal na Best Film sa kauna-unahang Pilik Mata Short Film Competition sa Neust o Nueva Ecija uUniversity of Sceince and technology ang pelikulang “Piko” na tumatalakay sa cyber bullying, masamang epekto ng iligal na droga, kahirapan at iba pa.
Ayon kay Roana Marie Mercado, Direktor at sumulat ng pelikulang “Piko”, labis ang kasiyahan nito dahil sa pagkilala sa kanyang akda kung saan naging inspirasyon nito ang mga kabataang nagiging biktima ng cyber bullying at iligal na droga.
Itinanghal namang Best trailer ang “Amina”, Best poster ang “Nasaan ka pinang”, Viewer’s Choice ang “Lakad lang”, Best sound design, Best editing at Best in cinematography ang “Piko”, Best production design ang “Igting”, Best screenplay “Mutes” Best in actor si Carlo boy Espidol ng Pinang, Best actress si Mutya Gonzales ng Piko at Best director si Roana Marie mercado ng Piko.
Best picture 3rd best film nasaan ka pinang, best picture 2nd best film mutes.
Ayon naman kay Marcky Valdez, organizing head ng naturang kompetisyon, layunin nito na makapagbigay ng kakaibang kwento dito sa nueva ecija na gawa ng mga estudyante ng naturang unibersidad.
Dagdag nito, ang mga nagwagi sa kauna-unahang film competition sa neust ay maipagmamalaki at maaaring ilaban sa kahalintulad na patimpalak sa iba’t ibang panig ng bansa
Malaking tulong din aniya ang ganitong uri ng kompetisyon sa mga kabataan upang mas maimulat ang mga ito sa iba’t ibang isyu na kinahaharap ng bansa at mamamayan nito.
-Sa Ulat ni Phia Sagat!