“Isulong Kalidad na Edukasyon para sa lahat ng bata”, ito ang tema ng Provincial Children’s Congress, at tampok sa mga iginuhit, tinula at inawit ng mga Day Care Children mula sa iba’t ibang bayan sa Lalawigan.

   Bibong-bibo ang bawat kalahok na edad tatlo at apat sa pagbigkas ng tula na may layuning ipabatid ang kahalagahan ng edukasyon para sa makabagong henerasyon bilang pag-asa ng bayan.

Mga edad tatlo hanggang apat na mga Day Care Children ang nagpaligsahan at nagpakitang gilas sa pagguhit at pagkulay.

Mga edad tatlo hanggang apat na mga Day Care Children ang nagpaligsahan at nagpakitang gilas sa pagguhit at pagkulay.

   Gamit ang himig ng iba’t ibang kilalang awitin at sariling komposisyon ng mga lyrics ng bawat Day Care Workers mula sa iba’t ibang bayan, ay nagpakitang gilas din ang mga chikiting na bigay todo sa pag-awit at pag-indayog sa saliw ng tugtugin.

   Ipinamalas din ng mga batang ito ang kanilang talento sa pagguhit at pagkulay, at sa sabayang pag-eehersisyo o calisthenics.

   Ayon kay Fannie Bugayong, Focal Person ng Provincial Social Welfare and Development Office, ang naturang mga patimpalak ay bahagi ng selebrasyon ng Children’s Month kung saan dalawamput limang bayan ang lumahok dito.

iba’t ibang grupo ng mga bibong chikiting mula sa buong Lalawigan ang nagtagisan ng galing at nagpamalas ng iba’t ibang talento sa ginanap na Provincial Children’s Congress.

Iba’t ibang grupo ng mga bibong chikiting mula sa buong Lalawigan ang nagtagisan ng galing at nagpamalas ng iba’t ibang talento sa ginanap na Provincial Children’s Congress.

   Dagdag ni Bugayong, layunin nito na maipakita na sa murang edad ay kabahagi na ng mga programa ng Gobyerno ang mga bibong chikiting na ito.

   Napagwagian ng mga representante ng Bayan ng San Isidro ang Copy and Color at Solo Singing, napagtagumpayan naman ng Bayan ng Lupao ang Poem habang naiuwi ng Bayan ng Gen. Tinio ang kampeonato sa Calisthenics.

   Ang mga nagwagi ang magiging kinatawan ng probinsya na makikipagtunggali sa Regional Children’s Congress sa SM Pampanga sa araw ng biyernes, November 18, 2016. –Ulat ni Jovelyn Astrero