600 na mga estudyante, tinanggap ang kanilang sahod sa SPES
Tinanggap ng mga estudyante at mga magulang ang kanilang sahod sa isinagawang payout ng SPES o Special Program for Employment of Student noong nakaraang Biyernes Setyembre 9, 2022 sa Auditorium ng Old capitol dito sa Cabanatuan City.
Ang SPES ay programa ng Provincial Government of Nueva Ecija sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali para sa mga estudyante, in partnership with the Department of Labor and Employment o DOLE, at implementation ng Provincial Employment Service Office.
Ang SPES program ay para sa mga mahihirap na mga estudyante na may edad 15 hanggang 30 taong gulang, kabilang ang mga out-of- school youth na nais makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral.
Sa loob ng 20 araw na pagtatrabaho ay makatatangap ng tig- P547 bawat araw kaya sasahod ang bawat estudyante ng P10,940 na napakalaking tulong sa bawat isa sa kanila dahil sa pagsisimula ng pasukan ay may magagamit silang pambili ng kanilang pangangailangan sa school at pambayad sa kanilang tution fee.
Ayon kay Peso Manager Ma. Luisa Pangilinan, ang 60% na sweldo ay mangagaling sa kapitolyo at ang 40% ay mula naman sa DOLE.
Subalit minabuti ng gobernador na ibigay na mismo ang 100% na sweldo in cash para magamit kaagad ng mga estudyante o ng kanilang mga magulang, dahil simula na ng pasukan para hindi na maghihintay pa ng tseke na magmumula sa DOLE na ipinagpapasalamat niya sa gobernador at bise gobernador.
Kaya para kay Jordan Aclera, malaking tulong ito sa kanyang pag-aaral, dahil pito silang magkakapatid at tanging tatay na lamang niya ang nagtatrabaho sa bukid kaya kailangan niya ring tumulong para sa pamilya
Malaking tulong din umano sa dating SPES baby na ngayon ay isa nang engineer at faculty staff ng senior high school sa Good Samaritan College.
Si Engr. Ailen Q. Supian na apat na taong nagtrabaho sa SPES dahil nagbigay ito sa kanya ng experience para matuto at maging matatag siya sa hamon ng buhay.
At ipinagpapasalamat niya rin sa ama ng lalawigan na sa kabila ng pandemya ay patuloy ang programa ng SPES para sa mga estudyante na kailangang kumita tuwing bakasyon.
Hindi naman mapigilan ang pagpatak ng mga luha ni Nanay Josie Alijandrea 56-anyos ng Bongabon ng natanggap ang sahod ng kanyang anak na hindi nakapunta dahil sa may pasok sa school.
Sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay na tanging paglalabada at paglusong sa bukid ang ikinabubuhay, na mag-isa niyang itinataguyod dahil ang kanyang asawa ay isa nang senior citizen na wala nang kakayahang magtrabaho sa bukid dahil naaksidente.
Pangarap lang niya na maigapang at mapagtapos ang kanyang nag-iisang anak na si Angel na kasalukuyang 2nd year College sa Eduardo L. Joson Memorial College sa kursong Bachelor of Science in Education dahil ayaw niya umano itong magaya sa kanya.