1

Natagpuan na lamang na isa ng malamig na bangkay ang isang ice dealer na hinihinalang biktima ng summary execution sa kahabaan ng Maharlika Highway sa barangay Bakal Uno, bayan ng Talavera.

Kinilala ang biktimang si Rowena Valdez dela Vega, bente nueve anyos, residente ng barangay Bacal Tres, ng naturang bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas sais ng umaga nadiskubre ang labi ng biktima na may mga tama ng bala ng baril sa ulo.

Narekober ng SOCO ang dalawang basyo ng kaha ng kalibre kwarenta’y singkong baril at dalawang bond paper na may nakasulat na “Kapitan Adik Resign! Kill the Pusher Botchoy Orlan Bondoc RPHB/SPP”.
Llanera- Onsehan sa bentahan ng illegal na droga ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa likod ng pagpatay sa isang lalaking kapatid umano ng isang pusher.

2Matatandaan na pinagbabaril noong July 16, 2015 ang biktimang si Geraldo Santos y Pastrana habang bumibili sa isang tindahan sa barangay General Luna ng nasabing bayan.

Batay sa masusing pagsisiyasat ng pulisya, napag-alaman na utol ng biktima ang isang nagngangalang Roy Santos y Pastrana ng barangay Casile, Llanera na kilalang tulak ng droga sa mga bayan ng Talavera, Rizal at Cabanatuan City.

Nadiskubre rin ng otoridad mula sa cellphone ni Geraldo ang mga naging transaksyon nito na may kaugnayan sa pagbebenta ng droga bago ito pinaslang at halagang Php 6,238.00 galing sa kanyang bulsa.

Paalala po sa ating mga kaibigan, lagi po tayong maging alerto at mag-ingat dahil ang krimen ay nangyayari kahit saan, kahit kalian. – ulat ni Clariza de Guzman.