Magkakasunod na tumalon mula sa UH1H Chopper sa taas na 1500 feet at naglanding sa kabukiran ng Barangay Liwayway, Sta. Rosa, ang 115 sundalo ng Special Forces, suot ang parachute, bilang bahagi ng kanilang Airborne Sustainment Training.

1

Aktwal na pagtalon ng mga sundalo ng Special Forces Regiment (Airborne) sa taas na 1500 feet mula sa Chopper na UH1H

Ang naturang training ay naglalayong mapanatili ang kahandaan ng kasundaluhan pagdating sa Humanitarian Assistance at Disaster Response.

Ayon kay Corporal Maria Carlota Eboy, quarterly nila isinasagawa ang pagsasanay upang mapanatili sa mga Special Forces ang kanilang kahusayan sa pagresponde at pagbibigay ng tulong mula sa itaas, partikular na sa mga biktima ng mga kalamidad.

Ang naturang training ay naglalayong mapanatili ang kahandaan ng kasundaluhan pagdating sa Humanitarian Assistance at Disaster Response.

2

Special Forces Regiment (Airborne), Philippine Army habang sumasakay ng UH1H Chopper para sa pagtalon sa ere

Ayon kay Corporal Maria Carlota Eboy, quarterly nila isinasagawa ang pagsasanay upang mapanatili sa mga Special Forces ang kanilang kahusayan sa pagresponde at pagbibigay ng tulong mula sa itaas, partikular na sa mga biktima ng mga kalamidad.

Isa si Corporal Eboy sa dalawang babaeng nagpakitang gilas sa training na naniniwalang tibay lamang ng loob ang kailangan upang magawang makipagsabayan sa mga lalaking sundalo.

Bagaman umuulan at may kaunting hangin ay naging matagumpay pa rin ang kanilang training, patunay lamang daw na ang Special Forces ay handa sa anumang hamon sa kanila.

Kumpiyansa naman ang mga sundalo na magagamit nila ang kanilang mga natutunan sa training sa aktwal na operasyon.- Ulat ni Shane Tolentino