1

The Sangguniang Bayan of Gabaldon suspended the harvesting and cutting of 320 Gmelina trees in barangay Bagting.

Pansamantalang ipinatigil ang pamumutol ng mga punong Gmelina sa watershed na nasasakop ng kadundukan sa barangay Bagting habang iniimbestigahan ng Sangguniang Bayan ng Gabaldon at Sangguniang Barangay ang mga iregularidad na iniulat ng mga residente.

Matatandaan na nagpatawag ng pagpupulong si Kapitan Edwin Lacandoza kasunod ng petisyon ng mga residente ng Bagting upang ipahinto ang pag-ani at pagputol ng mga puno ng Segum Upland Farmers Association Incorporated sa ilalim ng Community-Based Forest Management Agreement dahil sa takot na gumuho ang bundok.

Dahil dito ay nagsagawa ng inspeksyon ang Sangguniang Bayan at Pamahalaang Barangay noong July 23, 2015 at natuklasan na may mga nilabag sa kasunduan ang asosasyon kaya ipinatigil na muna ang pamumutol ng mga melina.

2

Vice Mayor Jobby Emata in an interview explains that the cutting of Gmelina trees is under the Community-based Forest Management Agreement of DENR.

Umakyat din sa lugar na pinagpuputulan ng mga puno ang team ng Balitang Unang Sigaw kasama ng ilang mamamayan at mga CAFGU upang personal na makita ang kalagayan ng bundok.

Nakatambak pa sa ibaba ng Segum creek ang mga tabla ng pinutol na mga puno.

Habang papanik kami ng bundok ay nadaanan din namin ang mga manggagawa na kasalukuyang nagbaba ng mga tablon o mga piraso ng mga puno na natistis na.

Pagdating sa mismong site makikita ang magkakatabing mga puno ng melina na pinutol, nadamay din ang ibang maliliit na puno na malinaw na paglabag sa kasunduan.

Inaasahang sa darating na Miyerkules ay tuluyan ng ipapahinto ng Lokal na Pamahalaan Gabaldon ang pag-aani at pagpapaputol ng mga melina sa bundok ng Bagting pagkatapos lumabas ang opisyal na pagsusuri ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Barangay ng Bagting.- ulat ni  Clariza de Guzman

[youtube=http://youtu.be/UGrU8wY_WI8]