SENSITIBONG BALITA:
MIYEMBRO NG AZARCON ROBBERY-HOLDUP, GUN-FOR-HIRE GROUP, ARESTADO SA BAYAN NG LAUR
Inaresto ng mga pulis ang isang umano’y miyembro ng Azarcon Criminal Group sa isinagawang search warrant operation sa Barangay Siclong, Laur noong Linggo, March 19.
Nakuha sa 51-anyos na suspek ang isang homemade caliber .38 revolver at iba’t ibang bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).
Ang Azarcon Criminal Group ay iniuugnay sa robbery-holdup, gun-for-hire, at land-grabbing activities sa mga bayan ng Laur, Gabaldon at Bongabon, Nueva Ecija.