BAWAS PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, IPINATUPAD KAHAPON

Matapos ang ilang linggong pagtaas ng halaga ng petroleum products ay nagpatupad kahapon Martes ng umaga ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis.

Nag tapyas ng P1.70 sa presyo sa kada litro ng diesel at kerosene, samantalang P1.20 kada litro ang bawas-presyo sa gasolina. P1.90 naman bawat litro ng kerosene.

Ang rollback ay dulot­ umano ng mabagal na galaw ng presyuhan ng petroleum products sa merkado.

Sinabi ni Oil Industry­ Management Bureau (OIMB) Assistant Director Rodela Romero, humina ang demand sa produktong petrolyo, ka­sunod ng matamlay na demand sa Amerika at Europe.

Tuwing Martes ipina­tu­tupad ang price adjustment­ ng mga kumpanya ng langis sa petroleum pro­ducts.