P654M, PINABABALIK NG ERC SA MGA KONSUMEDORES NG ELECTRIC COMPANY SA PAMPANGA
Inutusan ng Energy Regulatory Commission o ERC ang power distributor sa Pampanga na ibalik ang labis na generation fees na nakolekta nito sa mga consumer mula noong 2014 matapos malaman na ang kontrata sa isang power generation firm ay hindi pinahintulutan ng komisyon.
Sinabi ng ERC na hindi sila nagbigay ng basbas sa aplikasyon ng San Fernando Electric Light and Power Co. Inc. o SFELAPCO para sa power supply agreement nito sa Aboitiz Power Renewable Inc. o APRI na ipinasok noong 2013 ngunit hindi pa ito naaaprubahan ay kumukuha na ang SFELAPCO ng kuryente sa APRI mula pa noong Enero 2014 at sinisingil na ito sa retail rates sa customers.
Noong 2021 pinagpapaliwanag ng ERC ang SFELAPCO pero kinailangan pang sulatan muli ito ng komisyon. Hindi naman katanggap tanggap ang ibinigay nitong palusot na wala silang nataanggap natatanggap na kasulatan mula sa ERC.
Aminado naman ang power generation firm na siningil nito ang mga consumers sa hindi aprubadong power supply agreement ng APRI kahit mayroon pa itong PSA sa APRI noong 2009. Binigyang-diin ng SFELAPCO na pinapayagan noon ng ERC ang pag-extend sa mga expired na PSA pero ayon sa ERC, kinakailangan pa rin ng kanilang basbas para sa extension nito.
Sa utos ng ERC, pinasosoli agad sa SFELAPCO ang lahat ng generation rate na nakolekta na lampas sa Time of Use o TOU rate mula Enero 2014 hanggang sa December 2022 na nagkakahalaga ng P654.4 milyon.
Pinagmumulta rin ito sa halagang P21.6 milyon dahil sa paglabag nito sa mga patakaran at alituntunin ng ERC bago magdagdag ng singil sa mga customer.
Hindi rin nito sinunod ang probisyon ng Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA sa obligasyon ng isang power distribution company na mag-supply ng kuryente sa pinakamababang halaga sa merkado.