Nilinaw ng ECC o Employees Compensation Commision, sa pakikipagtulungan ng DOLE o Department Of Labor and Employment ang benepisyong maaring matanggap ng mga manggagawa na nasa pampubliko at pribadong sektor. Kung sakali mang magkasakit, mapinsala o mamatay na may kinalaman sa kanilang pinagtrabahuhan, sa isinagawang Advocay Seminar on the Employees Compensation Program, sa Harvest Hotel, Cabanatuan City.
Mahigit sa isangdaan at pitumpung human resouce officers, employers, mga kinatawan ng gobyerno at pribadong kumpanya at non-uniform personnels ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire (BFP) at mga sibilyan ang dumalo sa naturang programa.
Ayon kay Deputy Executive Director, Atty. Jonathan Villasoto, layunin ng programa na bigyang kaalaman ang mga manggagawa sa mga benepisyo na mayroon sila at bigyang kamalayan ang mga kumpanya sa kahalagahan ng paglalaan ng seguridad sa mga empleyado.
Ang ECC ay isang ahensya ng pamahalaan na nasa ilalim ng DOLE na nakatutok sa pagbibigay proteksyon sa mga manggagawa, sa pamamagitan ng mga benepisyong maaari nilang matanggap sa panahon ng biglaang pagkakasakit, biglaang aksidente at biglang pagkamatay dahil sa kanilang pagta-trabaho.
Sa ilalim ng ECP, nagkakaloob sila ng compensation package para sa mga manggagawa at kanilang dependents, sa pamamagitan ng sss o social security system para sa mga nasa pampribadong tanggapan at sa gsis o government service insurance system para naman sa mga empleyado ng pamahalaan.
Hinikayat naman ni Maylyn Gozun, Provincial Field Officer ng Nueva Ecija, ang mga kumpanya na ibigay ang nararapat na benepisyo para sa kanilang mga empleyado.
Dagdag pa ni Gozun, nasa proseso sila sa pagmomonitor ng mga establisyemento sa buong lalawigan ang sinumang kumpanya na hindi sumusunod ay mabibigyan ng karampatang parusa.
Para sa mga may katanungan, maaaring tumawag sa himpilan ng ECC sa numerong 045-455-1613. -Ulat ni Danira Gabriel.