BAWAS PRESYO SA DIESEL, KEROSENE IPINATUPAD SA ARAW NG MGA PUSO

Nagbawas ng Php 2.20 bawat litro sa presyo ng diesel ang mga kompanya ng langis kahapon sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Pero PHP 0.00 walang paggalaw sa halaga ng gasolina at PHP 2.50 naman sa kerosene.ang ibinawas bawat litro.

Diesel PHP 2.20/L
Gasolina PHP 0.00/L
Kerosene PHP 2.50 /L

Matapos ang unang Linggo na tapyas sa halaga ng produktong petrolyo, ito na ang pangalawang rollback sa diesel at kerosene ngayong 2023.

Ang dahilan ng pagbaba ng presyo ng Langis ay ang malaking imbentaryo at pagtaas ng interest rate ng US ayon sa Department of Energy.

Pero huwag munang umasa na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng presyo ng petrolyo sa mga susunod na Linggo.

Samantala, naghahanda na ang gobyerno sa pagkaubos ng supply ng Malampaya natural gas facility sa loob ng dalawang taon.

Imported na Liquiefied Natural gas ang nakikitang pamalit ng DOE para patuloy na mag produce ng kuryente ang malalaking planta na umaasa sa natural gas ng Malampaya.

Pero aminado ang DOE na mas mahal ang lang ito kumpara sa Malampaya natural gas,kaya pwede ring sumipa ang presyo nito oras na tumaas ang presyo ng Langis sa World Market na maaaring lalong magpamahal sa presyo ng kuryente sa Luzon.