PROVINCIAL GOV’T OF NUEVA ECIJA, SINIMULAN NA ANG PAGPAPATAYO NG BAGONG MULTIPURPOSE BUILDING SA BERTESE, QUEZON
Sinimulan na ng Provincial Government of Nueva Ecija ang pagpapagawa ng bagong 2-storey multipurpose building sa Brgy. Bertese sa bayan ng Quezon.
Sa panayam ng Balitang Unang Sigaw Team sa Provincial Engineering Office, ang nasabing pasilidad ay mayroong office spaces, kitchen, comfort rooms at may maluwang na reception area upang matiyak na may sapat itong kapasidad para mag-accommodate ng mga taong humihingi ng tulong sa barangay.
Dahil kumpleto at pinalaki ang ipinagkaloob ng kapitolyo sa pamumuno ni Governor Aurelio “Oyie” Umali ay maaari rin itong gamitin bilang evacuation center sa tuwing may maaapektuhang pamilya sa panahon ng kalamidad ayon kay Kapitan Camilo Barlis.
Nabatid din na ang gusaling ito ay pagdarausan ng mga government meetings at aktibidad ng mga residente sa lugar.
Magbebenepisyo ang lahat ng mamamayan ng bayan ng Quezon sa sandaling matapos ang proyektong ito.
Naging posible ang pagtatayo ng gusali sa tulong at suporta ni Mayor Boyet Joson na siyang kauna-unahang multipurpose hall sa bayan ng Quezon.
Nagpaabot ng pasasalamat si Kapitan Barlis kay Gov. Oyie sa mga natatanggap na biyaya sa kanilang barangay lalo na sa ipinagkaloob na barangay service na napapakinabangan na ng buong barangay.