RICE VANGUARDS, NAGSAGAWA NG HOMECOMING VICTORY PARADE PARA SA MGA NOVO ECIJANO
Bilang pasasalamat sa suporta ng mga Novo Ecijano nagkaroon ng Homecoming Parade ang MPBL 2022 National Champion na Nueva Ecija Rice Vanguards.
Ang Homecoming Parade ay ginanap sa Palayan city Park noong December 18 alas singko ng hapon with Local Guest Talents, meet and greet sa mga fans, autograph signing, mayroon ding mga giveaways na T-shirt at basketball.
Umabot sa mahigit 2,000 na T-shirt ang ipinamahagi bilang giveaways, limang daang basketball naman para sa mga fans at may allocated na bola para sa mga barangay, mga kabataan at mga Basketball Club.
Punong-puno ng mga fans ang City Park ng Palayan lalo na ng magpamahagi na T-shirt at basketball na pinangunahan mismo ni Mayor Vianne Cuevas at ng kanyang kuya Ivan Cuevas bilang manager ng Nueva Ecija Rice Vanguards.
Kasama rin sina Coach Jerson Cabiles, kanyang coaching staff at mga player sa pagbibigay saya sa kanilang mga fans sa pamamagitan ng paghagis ng mga T-shirts at bola ng basketball.
Bago ang homecoming sa Palayan City nagkaroon muna ng parade at courtesy call sa umaga ang team ng Rice Vanguards sa mga mayors gaya sa San Jose City na sinalubong nila Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador kasama ang mga fans.
Pagkatapos sa San Jose ay tumuloy naman sila sa Science City of Muñoz kung saan mainit na tinanggap sila ni Mayor Armi Alvarez.
Nagkaroon doon ng picture taking sa mga players at namahagi rin sila ng mga T-shirt at bola sa mga naroon.
Sa bayan naman ng Talavera sinalubong naman sila ng mga fans para sa meet and greet with Mayor Jay-Ar Santos at laking tuwa ng mga fans dahil nakatanggap din sila ng mga champion’s T-shirt at basketball.
Pagdating naman ng hapon ay nagkaroon ng motorcade sa iba’t ibang barangay sa Cabanatuan bago tumuloy sa Palayan City para sa programa.
Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ng team manager ng Nueva Ecija Rice Vanguards na si Boss Ivan Cuevas ganun din ni Mayor Vianne maging si coach Cabiles sa lahat ng mga Novo Ecijano cijano sumuporta sa kanilang team na nagbigay lakas sa kanila para makuha ang national championship sa MPBL.
Araw ng Lunes ay naimbitahan din ang Vanguards ng Provincial Government of Nueva Ecija sa isinagawang flag raising ceremony bilang pagkilala sa kanilang nakamit na kampeyonato dala ang pangalan ng probinsiya.
Ang next season ng MPBL ay magsisimula sa March 2023.