SENSITIBONG BALITA

DATING LIVE-IN PARTNER, SUSPEK SA PAGPASLANG SA KONSEHAL NG STO. DOMINGO

Naresolba na umano ng mga awtoridad ang kaso tungkol sa pagpatay sa trentay tres anyos na si Konsehala Angelique Alexis “Angge” Paulino ng bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Base sa report ng Nueva Ecija Police, ala una ng madaling araw noong February 13, 2023 nang maaresto ng Guimba Police Station ang ex-live in partner ng biktima sa Brgy. Sicsican, Talavera.

Una rito, 6:15 ng umaga noong February 12, 2023 minamaneho ni Konsehala Paulino ang kanyang metallic gray sedan Hyundai Accent sa Nueva Ecija – Pangasinan road sa Brgy. Maturanoc, Guimba nang mag-overtake ang suspek sakay ng kanyang red Hyundai Eon at pinagbabaril ang biktima.

Inamin umano ng suspek ang nagawang krimen at isinurender sa awtoridad ang ginamit nitong baril isang caliber .9mm pistol habang ang sasakyan nito ay narekober naman sa Rosales, Pangasinan.