4,000 BOY SCOUTS SA NUEVA ECIJA, LUMAHOK SA 51ST BSP JAMBOREE

Umabot sa halos apat na libong mga mag-aaral mula sa elementarya at high school mula sa ibat ibang paaralan sa buong Nueva Ecija ang nakiisa sa 51st Boys Scout of the Philippines Jamboree.

Ito ay matapos ang halos 3 taong walang ganitong aktibidad dahil sa pandemyang Covid-19.

Sa isinagawang parada ng mga kalahok na mga boy scout mula sa ibat ibang bayan ay makikita ang kanilang kasiyahan dulot ng muling pagbabalik sa ganitong klaseng aktibidad.

Pinangunahan ni Vice Governor Doc Anthony Matias Umali bilang Council Chairman ng BSP Nueva Ecija ang pagtataas ng bandila ng 51st Provincial Jamboree na ginanap noong Pebrero 6 na tumagal ng hanggang Pebrero 10 sa Palayan City.

Ayon sa Bise Gobernador Doc Anthony masaya siya dahil ang lahat ay excited lalo na ang mga bata sa camping site.

Hangad umano niya na nawa’y mapakinabangan ng mga kabataan na siyang pag-asa ng bayan ang karanasang ito.

Matutong makisalamuha sa kapwa ang isa sa magandang layunin ng camping, 1st aid and rescue.

Itinuro din sa kanila ang survival lalo na kapag nasa kabundukan at disiplina sa sarili para maging isang good leader.

Bukod pa rito ay magandang training ground din ito para sa mga kabataan na mabuhay na malayo sa kanilang pamilya, na walang gadgets, tv o internet at matutong mamuhay ng sarili na hindi aasa sa kanilang mga magulang at maging independent.

Ayon naman sa Boy Scout na si Jhared ng Talugtog National high School, marami umano syang natutunan sa mga activities nila sa camping na magagamit nito sa pang araw-araw na buhay.

Ito na ang kanyang pangalawang pagsali sa boy scout.

Mensahe naman ni Maria Vivian Pineda bilang Commissioner ng Luzon National Youth Commission sa mga participants na boy scout, mag enjoy at laging tatandaan ang aral na kanilang natutunan