Sa panayam kay Kapitan Guilbert Fernandez nag-request sila ng medical at dental mission sa pamahalaang panlalawigan bilang bahagi ng kanilang selebrasyon sa kapistahan ng Patron ng San Bartolome.

Nagkaroon ng libreng bunot ng ngipin at nagpamahagi ang Provincial Health Office ng mga gamot para sa lagnat, ubo at sipon para sa mga mamamayan ng Aduas Centro.

Bukod dito ay nakatanggap din ang mga pasyenteng nag pabunot ng ngipin ng toothpaste at tootbrush.

300 katao nabenepisyuhan ng libreng medical habang mahigit limampo ang nakatanggap ng free dental service

Sa kabuuan umabot sa tatlong daang taga Aduas Centro ang nabenepisyuhan ng libreng serbisyong medikal habang mahigit limampo naman sa free dental service.

Ayon kay lola Leonida Valino, isa ang kaniyang pitong taong gulang na apo sa tumanggap ng libreng bunot ng ngipin dahil nagkaroon ito ng sungki.

Habang nakatanggap naman ng libreng serbisyong medical sina Cornelio Miralles, animnaput anim na taong gulang at Rowena Valino, trentay otso anyos.

Kwento nila, malaking tulong na nagkaroon ng ganitong aktibidad sapagkat marami sa mga taga Aduas Centro ang kailangan ng libreng serbisyo dahil sa kakapusan sa pinansyal.

Ang libreng serbisyong medical at dental ay bahagi ng Malasakit Program ng pamahalaang panlalawigan na layuning maibaba ang serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayang Novo Ecijano. -ulat ni Myrrh Guevarra