HILING NG MGA NAGTITINDA SA SANGITAN PUBLIC MARKET, ISANG BUWANG PALUGIT PA BAGO ILIPAT SA BAGONG PALENGKE

Inaasahang ililipat na sa susunod na linggo ang mga nagtitinda sa Sangitan Public Market sa pansamantalang palengke sa Brgy San Isidro Cabanatuan City.

Kaya hiling ngayon ng halos lahat ng mga tindero at tindera sa palengke ng Sangitan na sana ay bigyan pa muna sila ng kahit isang buwang palugit bago ilipat sa bagong pansamantalang palengke.

Kailangan umano muna nilang makabawi para may magamit silang panggastos sa paglipat at makabayad sa kanilang mga obligasyon dahil ayon sa kanila ngayon pa lang halos sila nagsisimulang makabangon na muli matapos ang naranasang pandemya kung saan halos wala silang kinita sanhi ng ipinatupad na mga health protocols.

Isa pa sa kanilang ipinag-aalala ay ang kanilang mga suki na possible umanong mawala kapag hindi alam ng mga ito kung saan sila mapupwesto.

Hinaing ang ipinararating ng mga nagtitinda sa Sangitan Public Market na aming nakapanayam.

Hindi rin umano nila alam kung papaano sila muling makakabalik sa kanilang dating pwesto kapag natapos nang gawin ang dating palengke ng Sangitan.

Mayroon din silang agam-agam na baka tumaas ang kanilang babayaran na hindi kakayanin ng mga maliliit na nagtitinda.

Samantala, ang presyo naman ng manok dito sa palengke ng Sangitan ay nasa Php 175 to 180 per kilo.

Sa baboy ay nasa Php 320 hanggang Php 350 kada kilo.

Ang bangus naman ay nasa Php 200 ang malaki
PHP Php 170 ang medium size
at Php 150 naman sa maliliit.