
PSUPT Andrew M. Aguirre of C, PIB got the Best Senior PCO for Operation of the Year and PRO3 Achievement Award in the Field of Police Intelligence (PCO Level).
Binigyang pugay sa pagdiriwang ng Nueva Ecija Provincial Police ng ika-isandaan at labing apat na taong anibersaryo ng Philippine National Police ang mga natatanging mamang pulis at aling pulis sa lalawigan.
Labing-anim na pulis ang tumanggap ng individual awards kabilang ang mga kategoryang Best Senior PCO for Administration of the Year na iginawad kay PSUPT Wilson Santos ng Talavera Police Station, PRO3 Achievement Award in the Field of Police Intelligence (PCO Level) na ipinagkaloob kay PSUPT Andrew Aguirre, at Best Junior PCO for Operation of the Year na ibinigay kay PCI Julius Ceazar Manucdoc.
Ayon kay OIC Provincial Director Manuel Cornel, ang mga tagumpay ng NEPPO noong nakaraang taon ay nagkaroon ng katuparan sa ilalim ng pamumuno ng pinalitang si PD Crizaldo Nieves.

Provincial Assessor Florante Fajardo and Provincial Director Manuel Cornel award the commendation for Gabaldon MPS and 48IB of the Philippine Army
Nakamit ng Cabanatuan City Police Station ang unit award para sa Best City Police Station of the Year, ang Talavera Police Station para sa Best Municipal Station of the Year (class A), San Leonardo Police Station bilang Best Municipal Station of the Year (class B), PeƱaranda Police Station, Best Municipal Station of the Year (class C) at nakuha ng 3rd Maneuver Platoon ang Best Maneuver Platoon.
Pinagkalooban ng NEPPO sa pamumuno PD Cornel ng special awards ang lokal na pamahalaan at iba pang sektor bilang pagkilala sa pagbibigay ng suporta sa kapulisan.
Nangunguna na rito si Governor Aurelio Umali, Palayan City Mayor Rianne Cuevas, Nueva Ecija Press Corps, at iba pa.
Ginawaran rin ng parangal ang Gabaldon Police Station at 48IB Philippine Army dahil sa matagumpay na operasyon sa nangyaring holdupan na nagresulta sa pagkakahuli sa dalawang pulis na sangkot.- ulat ni Clariza de Guzman