Inilarawan ng mga naging kasama sa propesyon si Manny bilang isang mapagbigay, matulunging kaibigan at katrabaho at nagsilbing inspirasyon sa mga kapwa mamamahayag dahil sa angking talino.
Ilan sa kanyang mga kasamahan sa Nueva Ecija Press Club Inc., ang nagbahagi ng kanilang mga kwento kung paano nilang nakilala si Manny at ang mga hindi malilimutang ala-ala na pinagsaluhan ng mga ito.
Biglaan man ang kanyang paglisan ay hindi malilimutan ang kanyang parte sa kasaysayan sa larangan ng pamamahayag at ang kanyang kontribusyon para sa bayan ay mananatili sa puso at isip ng mga taong kanyang tinulungan.
Inalala ng mga kapwa mamamahayag ang mga kahanga-hangang katangian ni Manny Galvez sa isang Luksang Parangal na inihandog sa kanya ng mga ito.
Si Manny ay naging lokal na mamamahayag ng Nueva Ecija at kalauna’y naging mahusay na manunulat at mamamahayag ng pahayagang Philippine Star, at naging Pangulo rin ng NEPCI, namayapa sa edad na kwarentay otso dahil sa atake sa puso. – Ulat ni Jovelyn Astrero