BARANGAY GINEBRA KAMPEON; DRAGON NG CHINA, GINAWANG PULUTAN

Ginawang pulutan ng Barangay Ginebra ang guest team sa PBA na Bay Area Dragons matapos tambakan at talunin sa kanilang Do or Die sa game 7 ng PBA Commissioner’s Cup 2022 sa score na 114 – 99 sa Philippine Arena sa Bulacan noong Linggo January 15 2022.para makuha ang 47th season PBA Comissioner CUP

Ito ang pinakamalaking kasaysayan ng PBA sa record na 54,589 na nanuod sa world largest indoor na Philippine Arena.

Nahigitan nito ang dating record na 54,086 sa game 7 ng 2017 Governor’s Cup finals sa laban ng Ginebra at Meralco Volts.

Pinangunahan ni Best Import Justin Brownlee ang Barangay Ginebra na ma may 34 points 12 assists 8 rebounds at 3 blocks,

Sa simula palang ng 1st quarter 22 points na kalamangan hanggang matapos ang 1st half ng laro,sa score na 61-39 napanatili parin ang lamang pag pasok ng 3rd sa score 95-74 lamang parin ang ginebra hanggang sa matapos ang final quarter sa score na 114-99 at hindi na kinaya ng Bay Area Dragon ng China na makalapit sa Barangay Ginebra

Katuwang ni Brownlee ang Best Player of the Conference na si Scottie Thompson, Japeth Aguilar, LA Tenorio, at Pringle para maitala ng Barangay Ginebra ang kanilang ika-15 kampeyonato.

Tinanghal naman na Final MVP sa PBA Commissioner’s Cup si Christian Standhardinger na may 12 points 13 rebounds at 6 assists.

Nakuha naman ni Jamie Malonzo ang MVP sa finals ng game 7 na nagtala ng double-double digits na may 22 points 17 rebounds at 2 blocks.

Ito naman ang pang 7 PBA title ni coach Tim Cone sa Barangay Ginebra at ito ang kanyang ika-25 overall.

Ito naman ang 6 out 6 na titulo sa Barangay Ginebra ni Justin Brownlee at kauna-unahang PBA import na nakapagtala ng 350 career 3 points, 4000+pts 1500+REB 700+assists sa PBA history .

Samantala pormal na siyang nanumpa sa harap ni Senador Francis Tolentino na siyang author ng Republic Act number 11937 na kumikilala kay Brownlee bilang isang ganap na Pilipino.

Kaya tuloy na siyang makakapaglaro sa Gilas para FIBA World Cup 2023 na gaganapin sa Philippine Arena sa February at pwede na rin siyang maglaro sa Asian Game kung saan malayang makagsusuot ng Filipino jersey na JB32.