HIGIT P2 BAWAS PRESYO SA DIESEL, IKINASA NG MGA KOMPANYA NG LANGIS
Nagpatupad ng bawas presyo ang mga kompanya ng langis epektibo alas sais ng umaga noong Nov. 22, 2022.
Ibinaba ng P2.15 centavos kada litro ang halaga ng diesel, habang ang kerosene ay bumaba ng P2.10 bawat litro.
Samantala, kakarampot naman ang rollback sa gasolina na P.40 sentimos bawat litro
Ang presyo ng petrolyo sa merkado ay batay sa average Mean Of Platts Singapore (MOPS).
Ang MOPS ay ang arawang average price ng Refined Petroleum Products sa Singapore Trading.
Ito ay ginagamit sa pagtatakda ng presyo ng petrolyo sa mga Bansa ng Asya.
Nauna nang inihayag ng Department of Energy (DOE) na resulta lamang ito ng mahinang demand ng top oil importer na China sa gitna ng tumataas na kaso ng Corona Virus doon.