PRESYO NG DIESEL, GASOLINA, NADAGDAGAN ULIT

Pagkatapos ng rollback ng produktong petrolyo noong nakaraang linggo muli na namang tumaas ang presyo ng diesel at gasolina.

Kahapon Martes ng umaga Jan. 17, 2023 ay tumaas ng Php.50 centavos bawat litro ang diesel Php.95 centavos naman sa gasolina.

Sa ngayon ang presyo ng diesel dito sa Nueva Ecija ay nasa P58.20 hanggang P62.16 bawat litro at sa gasolina ay nasa P60.75 hanggang P64.32.

Inaasahan din na maging ang LPG o liquiefied petroleum gas ay posibleng sumipa sa darating na Pebrero.

Sa ngayon ang presyo ng LPG ay nasa P866.00 bawat 11 kilos nito o yung mga tangke na ginagamit na regular sa bahay.

Ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay ang pagsirit ng demand at ang pagbubukas ng China ng kanilang ekonomiya bagaman mataas pa rin ang kaso ng Covid-19.