London – Arestado ang dalawang lalaki dahil sa umano’y pagpatay at pagsilid ng bangkay ng dalawang babae sa freezer sa isang apartment sa silangan ng London.

Unang naarestro ng British police ang isang 50-anyos na lolo nitong Lunes habang ang isa pang 34-anyos na lalaki ay natimbog nitong Martes.

Naaresto ang dalawa matapos ang ikinasang double murder investigation ng mga awtoridad nitong Biyernes nang matagpuan nila ang bangkay ng dalawang babae na nakasilid sa loob ng freezer.

Read more at https://remate.ph/2019/05/01/2-arestado-sa-pagpatay-pagsilid-ng-2-bangkay-sa-freezer/