NOVO ECIJANONG NEGOSYANTE, NAKUHA NA ANG NAPANALUNANG PHP114.3-MILLION PREMYO SA LOTTO

Nakuha na ng Novo Ecijanong negosyante ang kanyang jackpot prize sa 6/45 Megalotto na binola noong December 23, noong nakaraang taon.

Nagbunga na ang labing limang taon na pagtaya sa lotto ng nanalong residente ng bayan ng Sto. Domingo dahil sa winning numbers na 11-21-01-12-17-03 na may premyong Php114, 327, 454.

Kinuha nito ang kanyang panalo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong January 3, 2023.

Dadalhin umano niya ang kanyang napanalunan sa pagkakawang-gawa, habang ang iba ay ilalaan niya sa pagpapalago ng kanyang negosyo at sa kinabukasan ng kanyang pamilya.

Ayon umano sa PCSO, 183 iba pang mananaya ang nakahula ng limang numero at nagwagi ng Php32, 000 bawat isa.