HIGIT PHP 2-M PONDO, HANDOG NG KAPITOLYO SA VILLA OFELIA CABANATUAN PARA SA PAGPAPAAYOS NG GYM AT BRGY. HALL
Pinagkalooban ng pamahalaang panlalawigan ng halagang PHP 2,195,000, 00 ang Brgy Villa Ofelia sa lungsod ng Cabanatuan para sa pagpapaayos ng kanilang Basketball gym at Brgy.hall.
Ito ay matapos na apribahan ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang 45th regular session sa pangunguna ni Vice Governor Doc Anthony Matias Umali ang kahilingan ni Governor Aurelio Umali na maipaayos ang Brgy. hall at gym ng nasabing barangay.
Ayon kay Kapitana Maria Cristina Nolasco pangunahin nilang nais na maipaayos ang kanilang Basketball gym dahil kapag panahon ng tag-ulan o may bagyo ay hindi ito nagagamit bilang evacuation center at hindi nakakapaglaro ng basketball ang mga kabataan dahil tumutulo ang bubong nito at bumabaha sa loob.
Maliban sa pagpapaayos ng gym ay hangarin niya ring maipagpatuloy na matapos at mapapaayos ang kusina at flooring sa loob ng barangay hall at malagyan ng tiles, maipa-landscape ang bakuran nito.
Ganon din ang kanilang day care center para sa mga bata, maging ang kanilang public comfort room ay nais nang baguhin dahil sa kasalukuyan ay hindi na ito nagagamit pati na rin ang kanilang gate.
Pangarap din nilang magkaroon ng extention gutter ang kanilang gym para kapag umuulan ay hindi na pumasok sa loob ang tubig at maipa rubberized ang flooring ng kanilang basketball court .
Subalit dahil sa liit at kakulangan ng kanilang pondo sa barangay ay mahirap maisakatuparan ang kanilang hangarin na maipayos ang lahat ng ito.
Kaya inilapit nila ito sa ama ng lalawigan na agad namang tinugunan.
Ipinagpapasalamat naman ng mga kabataan sa pangunguna ng kanilang SK Chairman na si John Marlon Villasencio ang pagpapaayos ng kanilang gym para makapaglaro na ang mga kabataan.