Apektado ng Army worms o Harabas  ang  mga pananim na sibuyas sa 28 na Barangay sa bayan ng Bongabon.

Base sa farm gate price ng Municipal Agriculturist as of March 7, 2019  umaabot sa 14, 104, 688. 13 ang halaga ng mga damaged na sibuyas.  nasa 10,441,821.38 ang napinsalang  red creole o pulang sibuyas at 3,662,866.75 sa  puting  sibuyas na nasira ng harabas.

Pinakaapektado ang Brgy. Vega na nagtala ng 752, 626.67  na halaga ng pinsala ng harabas.  Nasa 308,000 naman sa Barangay Talugtog, at 67,760 ang damaged  sa Brgy. Macabaclay.

Ayon  kay Mario Morales, Municipal Agriculturist ng Bayan ng Bongabon, nasa 40 porsyento na ang pinsalang dulot ng harabas sa kanilang bayan na malaking dagok aniya sa mga magsasaka.

Paliwanag pa niya nakikipagtulungan sila sa Regional Field Office  3 ng Department of Agriculture  para mapagtulungan kung paano masugpo ang harabas taun taon.

Kabilang sa mga magsasakang apektado sa Bayan ng Bongabon ay si Narbie Naraval na namuhunan ng  halos lakahating milyon sa tatlong ektaryang lupa na pagtatamnan ng sibuyas sa pagaakalang mapapalago pa ang kanilang pera ngunit nadismaya sa naging resulta ng ani dahil sa harabas.

Ibinulalas naman ni tatay Jo Madis, limapu’t tatlong taong gulang na kabisilya na sa tuwing anihan ay inaatake ng mga peste ang kanilang pananim. Bukod pa sa harabas ay dumagdag pa aniya ang napakababang presyo ng sibuyas sa pandaigdigang merkado.

Samantala nagpaabot naman ng mensahe ang dalawa na tugunan at bigyang atensyon ang mga pangangailangan ng magsasaka katulad na lamang ng ayuda na mangagaling sa gobyerno. –Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.