NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS, KAMPEON SA MPBL 2022
Pinatunayan ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang kanilang puso na maiuwi ang korona sa Nueva Ecija matapos na talunin ang Zamboanga family brand sardines sa score na 69-56 sa Game 4 ng kanilang best-of-five 3-1 MPBL 2022 National finals sa Maharlika Pilipinas basketball league 4th season sa homecourt ng Zamboanga sa Mayor Vitaliano Agan Coliseum.
Nauna nang nakuha ng Nueva Ecija ang panalo sa game 1 at game 2 sa score na 81-75 at 75 -74 sa homecourt naman ng Vanguards sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City na mismong si Nueva Ecija Gov Oyie Matias Umali ang nagbukas ng unang laro bilang suporta sa Nueva Ecija Rice Vanguards.
Sa Game 3 nakalasap ng kabiguan ang Vanguard sa kanilang pagdayo sa Homecourt ng Zamboanga sa score na 65- 75 dahil sa dami ng kanilang turn-over at dami ng crowd ng Zamboanga City.
Pero dahil sa determinasyon at pagtutulungan ng mga players na maiuwi ang kampeyonato ipinakita ng Nueva Ecija ang kanilang lakas sa depensa para pataubin ang lata ng sardinas.
Tinanghal na best player of the game at MPBL season MVP si Byron Bigbang Villarias na May 14 points at 10 rebounds at 2 steals.
Nagtulungan naman sina Michael Juico na may 11 points at 4 rebounds Michael Mabulac na may 10 points 8 rebounds 4 assists at dalawang stick Jonathan Uyloan na may 9 points lahat. Ito ay sa three-points area na siyang nagbigay ng hudyat para mabigyan ng lakas ang Nueva Ecija na makuha ang korona.
Hinirang naman na 2022 MPBL coach of the year si Coach Jerson Cabiltes na nanalo ng kanyang ikalimang sunod na titulo sa iba’t ibang liga.
Inaward naman ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ang nagkakahalaga ng P14 milyon na trophy kay team owner Bong Cuevas kasama ang kanyang maybahay na si dating Palayan city mayor Rianne Cuevas na lumuwas pa ng Zamboanga kasama ang kanilang mga anak na sina Palayan city Mayor Vianne Cuevas at ang manager ng Vanguard na si Ivan Cuevas.
Tinanggap ni Villarias ang kanyang final MVP trophy kasama ang buong team Nueva Ecija maging ang coaching staff ng 22 Championship Ring.
Malaking pasasalamat naman ng mga homegrown player na tubong Nueva Ecija na sina Renz Palma at Dondon Arenas ng Cabanatuan, Bobby Balucanag ng Lupao at Clark Derige ng Talugtog na mabigyan sila ng opportunity na mapasama sa Nueva Ecija Rice Vanguards dahil kanilang ipinagmamalaki na sila ay mga Novo Ecijano.
Sinabi naman ng hinirang na MPBL executive, ang team owner ng Vanguard na si Bong Cuevas na ang panalong ito ay para sa lahat ng mga kababayan at nangakong dedepensahan ang korona sa susunod na season sa March 2023.