Kinilig ang mga nakasaksi sa Surpise proposal ni Alen kay  Maine na naganap sa isang mall sa Cabanatuan City. Isa itong surprise proposal na isang buwan ding pinaghandaan ni Alen para sa kanyang minamahal.

5 Years ng magkasinatahan sina Alen na tubong San Jose at At Maine na taga santo Domingo Nueva Ecija, kapwa nagta-trabaho sa Papua New Guine.

Pagbibigay ng hint sa mga boyfriend, makakatulong para mangyari ang dream proposal

Ayon kay Alen malaki ang maitutulong ng pagbibigay ng hint sa mga boyfriend para mangyari ang klase ng proposal na magugustuhan ng iyong future fiancé.  Kailangan ay ready na ang future groom at bride hindi lamang financially kundi emotionally sa paparating na proposal.

Naging Challenge din kay Epoy Fernandez , coordinator ng proposal na ayusin ang surprise event na ito dahil kailangan ay masiguro na hindi malalaman ni Maine ang proposal at makikita ang mga kamag anak.- Ulat ni Amber Salazar