HIGIT P3, BAWAS PRESYO SA DIESEL; HALOS P2 SA GASOLINA
Good news para sa mga motorista ang patuloy na pagbaba ng presyo ng petrolyo.
Ipinatupad kahapon martes ng umaga Disyembre 13 ang P3.40 centavos bawas presyo sa kada litro ng diesel at Php1.70 naman sa gasolina.
Habang Php4.40 centavos naman bawat litro ng kerosene.
Simula October 25, 2022 umabot na sa P14 ang ibinaba sa bawat litro ng diesel sa 8 beses na rollback nito at P5 pesos naman sa gasolina sa loob ng apat na beses na rollback nito.
Ayon sa Department of Energy ang dahilan ng patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay ang desisyon ng Organization Petroleum Exporting Countries o (OPEC) na huwag bawasan ang kanilang oil production.
Pero pinangangambahan naman ang posibilidad na biglang pagtaas nito dahil pa rin sa kaguluhan sa Russia kapag hindi na sila nagbenta ng kanilang petrolyo.