Iisang grupo lang umano ang pumaslang kay ex-kapitan Ricardo Ramos at kapitan Caesar Baltazar.

Iisang grupo lang umano ang pumaslang kay ex-kapitan Ricardo Ramos at kapitan Caesar Baltazar.

Positibo umano na galing sa iisang baril na kalibre .45 ang mga basyo ng bala na narekober ng mga otoridad mula sa magkahiwalay na insidente ng pagpaslang sa isang dating kapitan at Punong Barangay.

Batay sa isang panayam kay Nueva Ecija Provincial Police Director Manuel Cornel, iisang grupo lang ang may may kagagawan sa magkasunod na pagpatay kay Kapitan Caesar Baltazar ng barangay General Luna, Cabanatuan City at ex kapitan Ricardo Calma Ramos ng barangay Homestead II, bayan ng Talavera.

Lumabas aniya sa ballistic test na sa iisang baril nanggaling ang mga balang pumatay sa dalawang kapwa biktima ng riding-in-tandem.

Pinagbabaril si Kapitan Baltazar sa kanyang lugar noong September 14, 2015 samantala si dating kapitan Ramos naman ay itinumba noong September 10, 2015 sa barangay Buliran, Cabanatuan City.

Natagpuang nakadapa at wala ng buhay sa damuhan sa bakanteng lote ng pinagtatrabuhang subdivision ang isang maintenance staff.

Natagpuang nakadapa at wala ng buhay sa damuhan sa bakanteng lote ng pinagtatrabuhang subdivision ang isang maintenance staff.

Samantala- Natagpuang walang ng buhay ang isang 34-anyos na lalaki sa barangay Sumacab Este, Cabanatuan City.

Kinilala ang biktimang si Crisante Eduarte y Abiog, may asawa, residente ng barangay Pamaldan sa nasabing lungsod, at maintenance staff ng Lakewood Subdivision, Cabanatuan City.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong ala una trenta ng hapon ng madiskubre ang bangkay ng biktima na nakadapa sa damuhang lugar na nasasakupan ng nasabing subdivision.

Iniimbestigahan na sa kasalukuyan ng otoridad ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.- ulat ni Clariza de Guzman.