Sensitibong Balita
MAGSASAKA, SUSPEK SA LAUR DOUBLE MURDER CASE
Nahaharap sa kasong two counts of murder and violation of RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isang magsasaka na suspek sa pagpatay sa mag-live in partner sa Laur, Nueva Ecija.
Kinilala ng Nueva Ecija Police ang suspek na si alias Botog, 61 years old, at residente ng Barangay San Vicente ng nasabi ring bayan.
Habang ang mga biktima ay isang singkwenta’y uno anyos na lalaki, at trenta’y tres anyos na babae, na kapwa naninirahan sa San Felipe, Laur.
Base sa report ng kapulisan, bandang 6:15 ng gabi noong November 19, 2022 nang pagbabarilin ng dalawang lalaki ang mag-live in partner sa kanilang bahay.
Natukoy sa isinagawang follow-up investigation sa tulong ng isang witness ang suspek na si alyas Botog.
Ang pagkakadiskubre umano ng mga biktima na ang lupang binili nila sa suspek ay ibinenta rin nito sa ibang buyer ang dahilan kung bakit sila nito pinaslang.
Kaagad namang nadakip si alyas Botog at nakuha umano mula sa kanya ang mga bala ng cal. 45 na baril.