Ito na ang final game kung sino ang tatanghaling Champion ng North Division, kaya siguradong paghahandaan ito ng dalawang team sa kanilang do or die game.
Matatandaan sa 1st game ng Vanguards at ng San Juan Knights noong nov. 18 ay natalo ang Nueva Ecija sa score na 79-73 ito ang kauna-unahang pagkabigo ng Nueva Ecija sa season matapos na magtala ng 25 -0 sa semifinals.
Kaya halos lugmok sa isang sulok ang lahat ng players at coaching staff ng Vanguards dahil sa sobrang sakit ng kanilang unang pagkatalo sa mismong homecourt nila sa Palayan City, Nueva Ecija.
Bagaman natalo, ang team owners ng Vanguards na sina Bong Cuevas at Mayor Vianne Cuevas ng Palayan City ay nagpakita ng pagiging sports at isang tunay na maginoong Novo Ecijano pagkaraang lapitan at yakapin si Sen. Jinggoy Estrada ng San juan Knights bilang tanda ng pagtanggap sa kanilang pagkabigo.
Sa game 2 na ginanap naman sa homecourt ng Knights ay ipinamalas ng Vanguards ang kanilang gilas at tapang para umabot sa 26 points ang kalamangan sa 2nd quarter.
End of 2nd quarter ay lamang ang nueva ecija sa score na 49-30.
Pagpasok pa lang ng 3rd quarter ay matinding depensa naman ang ginawa ng san Juan para mailapit ang kalamangan matapos na magpakawala ng 10-0 run sa score na 64-58.
Sa fourth quarter ay naging matindi ang depensa at opensa ng bawat team para maipilit ng Vanguards sa overtime sa score na 76 all.
Sa overtime ay kaagad na kumawala ang Nueva Ecija ng 6-0 run para masiguro ang panalo sa game 2 at mabuhay ang pa- asa na makabalik sa homecourt advantage ang team Nueva Ecija.
para sa game 3,
Tinanghal na best player si Shaq Taganas na naging instrumento sa kanyang matinding depensa at opensa na nagbigay ng highlights sa kanyang steal kay Wamar ng Knights at maipasok ang lay up at ang winning basket na buzzer-beater na 3 points para matiyak ang panalo ng vanguards.Sa score na 89 -83
Bilang best player of the game ay nagtala ng double double si Taganas na may 19 pts 9/10 sa fgs at 15 rebs
Ang final game 3 ay gaganapin sa homecourt ng Nueva Ecija Rice Vanguards sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City, 6:30pm at live na mapapanood sa One Ph,at MPBL fb fage.