Sinabi ni House Deputy Minority Leader France Castro na sa bandang dulo ang mga mamamayan umano ang nalugi dahil ang COVID vaccine na ito ay maaari sanang mapakinabangan sa ibang paraan.
Sa kasalukuyan ay pinaiimbestigahan na ng ilang senador ang mahigit 31 million doses na nasayang na bakuna nitong Nobyembre.
Ayon sa Department of Health, ang pagkasira ng 12 percent mula sa 250.38 million doses na natanggap ng gobyerno ay pasok pa rin sa acceptable limit ng vaccine wastage.
Subaliāt sa paliwanag ng World Health Oganization at COVAX facility ay nasa 10 percent lamang ang itinakdang threshold para dito.
Agad namang dumipensa si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire at sinabing nakapagbigay nang pahayag ang WHO na nasa 25 to 30 percent ang katanggap-tanggap na pagkasira batay na rin sa mga karanasan ng ibang bansa.
Pabor naman si Senator Bong Go na isapubliko ng mga kontrata na pinasok ng pamahalaan laban sa COVID-19. Magpapatawag umano ito ng pagdinig upang matunton ang naging problema ukol dito.
Umaabot na sa 165.58 milyong doses ng bakuna kontra COVID ang naiturok na sa Pilipinas kung saan 73.8 milyong katao na ang fully vaccinated.
Samantala, sa Nueva Ecija ay mayroon ng 1,516,504 o 87.4 percent ang nakakumpleto ng primary series ng bakuna as of November 20, 2022 ayon sa DOH-NE.