‘HAVE YOUR ELF A MERRY LITTLE CHRISTMAS’ NA TEMA NG SM, TRIBUTE SA MGA FRONTLINERS
Pagpupugay sa mga frontliners na buong taon ay buong lakas na nag aalay ng kanilang serbisyo sa mamamayan sa kabila ng banta ng COVID-19.
Ganito binigyan ng interpretasyon ni Michelle Charlene Chua, Assistant Mall Manager ng SM City Cabanatuan ang kanilang tema para sa traditional centerpiece launch ng SM ngayong panahon ng kapaskuhan na ‘Have your elf a merry Little Christmas’.
Ang naturang display ay may tatlumpu’t limang talampakang Christmas tree na may tatlong elf at isang malaking Santa Claus.
Para naman kay Attorney Joma San Pedro, Provincial Tourism Officer at isa sa panauhin ng launching, sinabi nito na ang taunang pag lulunsad ng temang pamasko ng SM ay isa na ring makabagong tradisyon na inaabangan ng mga Novo Ecijano upang maramdaman ang papalapit na kapaskuhan.
Bukod sa launching ng Christmas theme ay mayroon din exhibit ang SM kung saan maaaring bumili ng mga kagamitan na tutulong sa mga napiling charity ng mga sellers.
Taun-taon din ay nagkakaroon ng Bears of Joy ang SM na para naman sa mga kabataan.
Ang Bears of Joy ay dalawang stufftoy na ang isa ay mapupunta sa buyer at ang isa naman ay mapupunta sa mga kapus palad na kabataan upang kanyang maging regalo ngayong pasko.