1-RIDER PARTYLIST, NAGSAGAWA NG FREE ROAD SAFETY SEMINAR FOR TRICYCLE DRIVERS AND RIDERS

Nagsagawa ng free road safety seminar ang Road Safety Advocates of the Philippines sa pangunguna ng founder ng 1-Rider Party List Congresman Ret. Col. Bonifacio L. Bosita na ginanap sa Barangay Sibul, Talavera, Nueva Ecija.

Ito ay dinaluhan ng Federated Talavera Tricycle Operators and Drivers Association, Science City Of Munoz Tricycle and Drivers Association, motorcycle riders mula pa sa ibat ibang Lalawigan gaya ng Bulacan, Tarlac, Bataan, Pampanga, Pangasinan, Isabela,Nueva Vizcaya, Cagayan, at NCR.

Tinalakay sa nasabing Road Safety Seminar ang kaligtasan ng bawat motorista para maiwasan ang mga aksidente maging ang kahalagahan ng registration at expiration ng rehistro ng mga sasakyan pati na rin ang mga lisensiya sa pagmamaneho, gayon din ang mga kinakaharap na violation at multa ng mga ito.

Ayon kay Julian Saldana, mahalaga ang nasabing seminar para sa kanya dahil marami siyang natutunan para maiwasan ang aksidente sa kalsada.

Paliwanag ni Cong. Bosita ng 1-Rider Partylist na siyang founder din ng RSAP Road Safety Advocates of The Phil. at Riders Safety Advocates of the Philippines kaya naitatag ang dahil misyon nito na magbigay ng libreng training at seminar para sa mga motorista dahil sa road crashes ang kanilang vision ay mabawasan ang bilang ng mga namamatay sa aksidente at mapabagsak ang pang-aabuso sa mga motorista sa lalo na ng mga enforcer na hindi sumusunod sa batas.

Dagdag pa nito ang adbokasiya ng RSAP ay maitaguyod ang kaligtasan ng bawat motorista.

Nilinaw din nito ang Joint Memorandum Circular RA. 4136 ng DILG na inilabas ni DILG Sec.Benjamin Abalos Jr. Na tanging LTO lamang at ang mga deputies nito ang may karapatan mag kumpiska ng mga lisensiya.

Pagdating naman sa No Contact Apprehension Policy o NCAP maganda umano ito pero may mga problema pang kailangan munang maresolba bago ito ipatupad.

Nagpasalamat ito sa suporta sa kanyang mga adbokasiya para maiwasan ang nga road crashes sa kalsada upang unti-unti nang matigil ang katiwalian, pang-aabuso at maling pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaisa.