MGA NURSES NG EDUARDO L.JOSON MEMORIAL HOSPITAL, IPINAGDIWANG ANG NURSE’S WEEK
Bilang pagpupugay sa kabayanihan ng mga nurse ng ELJ Memorial Hospital sa gitna ng pandemyang Covid-19 ay ipinagdiwang nila ang kanilang natatanging araw noong Oktubre 19-20-21.
Sa unang araw ay nagkaroon ng holy mass at gift giving sa Home For the Girls na kung saan ay nabigyan nila ng munting tulong ang halos 70 kabataan, mga munting regalo para sa mga batang babae na magagamit nila sa pang araw-araw lalo na sa pagpasok sa eskwela.
Sa pangalawang araw ay nagbigay ng update sa dengue at ang pinaka tampok ay ang kanilang Nurse’s Night na kung saan ito ang pagkakataon na nagka sama-sama sa sila iisang okasyon.
Ayon kay Dr. Jhong Abeleda sa loob ng halos mahigit dalawang taon na hindi nila naipagdiwang ang araw ng mga nurse kaya sinamantala nila ang pagkakataon na maibigay ang pagpapahalaga sa kanilang ginawang kabayanihan.
Saludo umano ito sa mga nurse’s na itinuturing nilang mga new hero o mga bagong henerasyong bayani lalo na noong panahon ng pandemya na isinuong ang kanilang buhay para magsilbi sa mga pasyenteng maysakit na nangangailangn ng kanilang tulong at kalinga alang-alang sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Ipinagpapasalamat rin nila ito sa Provincial Government ng Nueva Ecija sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali At Vice Governor Doc Anthony Umali.
Para naman sa Chief Nurse ng ELJMH na si Ma’am Delmi Bajacan nakakataba ng puso na itinuturing silang mga bagong bayani ng henerasyon sa kanilang ginagawang serbisyo lalo na sa panahon ng pandemya na halos sa hospital na sila nakatira kaya hindi nakakasama ang pamilya.