HEAVY EQUIPMENT NG KAPITOLYO, GINAMIT SA PAG-AAYOS NG DAAN SA GABALDON FALLS
Gabaldon Falls ang isa sa mga ipinagmamalaking Tourist Destination ng bayang ito.
Isa rin ito sa mga pinagpala ng kalikasan dahil sa taglay na ganda at mala paraisong lugar para sa mga nature lovers.
Dinarayo ito at gustong gustong puntahan ng mga tourista lalo na kapag panahon ng summer dahil ang Gabaldon Falls ay may taas na 10ft. Na may mala yelong lamig ng tubig na nagmumula pa sa Mt. Mingan na karugtong ng kabundukan ng Sierra Madre.
Regional winner ang talong ito bilang Cleanest Water noong 2001 kaya nais ng pamahalaang Bayan ng Gabaldon na maihanda ito sa pagbubukas ng tourismo, lalo na pagdating ng summer na inaasahang maraming pupunta mula sa mga karatig bayan at ibat ibang probinsiya.
Dala ng mga nagdaang mga bagyo ay nasira ang daan patungo dito kaya pahirapan ang pagpunta doon.
Para mapaghandan at maging maayos ang byahe, inilapit ito ng mga opisyal ng Gabaldon sa kapitolyo para maipaayos ang daan na kaagad namang tinugunan ni Governor Aurelio Umali at ng Sanguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Doc Anthony Matias Umali at ipinadala ang mga heavy equipment sa pagsasaayos ng naturang daan.
Matapos na mapaayos ang kanilang daan ay nagkaroon din sila ng clean up drive at tree planting para mapaganda ang lalo ang kapaligiran ng Gabaldon Falls
Inaasahan nila na muling dadagsa ang mga nais pumunta na mga turista lalo na at nagbukas na ang turismo sa bansa, at dahil hindi na rin mahihirapan ang ito sa daraanan papunta sa falls.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Mayor Jobby Emata at Vice Mayor Vicoy Sabino sa Pamahalaang Panlalawigan sa tulong na pinadala sa kanila upang maging ligtas para sa mga turista ang pagbisita sa Gabaldon Falls