ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO, KAKARAMPOT

Mga Novo Ecijano, bahagyang tapyas presyo ang nararanasan ng mga motorista simula noong martes ng umaga oktubre 25, 2022 matapos ang dalawang magkasunod na dalawang linggong bigtime oil price increase.

Nagpatupad ng bawas presyo sa diesel ng P1.10 bawat litro, P0.35 naman kada litro sa gasolina at P0.45 naman sa kerosene bawat litro.

Ayon sa Department of Energy hindi sinsadya na maliit ang rollback sa petrolyo kumpara sa dagdag presyo noong nakaraang mga linggo dahil ang galaw umano ng presyo dito sa Pilipinas ay naka base sa Means Platts of Singapore (MOPS) ibig sabihin finish product na ang gasolina, diesel at kerosene galing Singapore.