HIGIT P400K NA HALAGA NG ILLEGAL NA DROGA, NASAMSAM NG NUEVA ECIJA POLICE
Nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang (2) drug personalities at pagkakakumpiska ng iligal na droga ang isinagawang Anti-Illegal Drug Operation ng Nueva Ecija Provincial Police sa Cabanatuan City noong Setyembre 27, 2022.
Kinilala ni PCOL RICHARD V CABALLERO, Officer-in-Charge, NEPPO ang mga suspek na sina JOEL BERNARDO y Abergas, 39, may asawa at residente ng Barangayp Magsaysay Norte; at ALEXANDER ESTRELLA y Ocampo, 41, binata, vendor at naninirahan sa Barangay MS Garcia.
Base sa report ng kapulisan, dakong 7:50 ng gabi ng dakpin ng mga operatiba ng SDEU (Station Drug Enforcement Unit) Cabanatuan City Police Station sa Purok Uno ng MS Garcia, Cabanatuan City ang dalawang suspek.
Nakabili umano ang mga awtoridad gamit ang Php1,000.00 bill buy-bust money ng isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu mula kay BERNARDO.
Nang arestuhin ito ay tatlong (3) piraso pa ng plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu at dalawang (2) piraso ng knot-tied transparent plastic bag na naglalaman din ng pinagsususpetsahang shabu, kabilang ang buy-bust money ang nakuha mula sa kanya.
Habang isa pang dalawang(2) piraso naman ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska kay ESTRELLA.