Nagdaos ng misa ang st. Rose Parish Church sa Bayan ng Sta. Rosa bilang pagdiriwang sa kapistahan ng kanilang patron na si Sta. Rosa de lima.

Bilang mga tubong bayan ng Sta. Rosa at bilang pakikiisa sa selebrasyon ay dumalo sina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Anthony Umali kasama sina dating Bokal Macoy Matias at asawang si konsehal Marjorie Matias.

Kasabay ng kapistahan ng kanilang Patron ay ipinagdiwang rin ang 141st Anniversary ng naturang simbahan at ang 11th Anihan Festival para sa mga magsasaka.

Sa aming panayam kay konsehala Marjorie Matias ng bayan ng Sta Rosa, ay sinabi nito na ang kapistahan ni Sta Rosa De Lima ng St. Rose Parish Church ay ipinagdiwang ng apat na barangay sa naturang bayan, na kinabibilangan ng Barangay Rizal, Valenzuela, Cojuangco, at Barangay Zamora.

Ayon naman kay Marieta Castillejos, isang katikista ng naturang simbahan, matagumpay ang kanilang taunang pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang patron.

Pagdaraos ng kapistahan ni Sta Rosa De Lima sa bayan ng Sta Rosa Nueva Ecija dinaluhan nina Gov. Aurelio Umali at Vice Gov. Anthony Umali

Bago ang misa ay nagdaos muna ng prusisyon ang lahat ng mga barangay pastoral council kasama ang buong miyembro ng simbahang katoliko ng bayan ng Sta. Rosa bilang pagsuporta sa kapistahan ni Sta Rosa De Lima.

Bahagi din ng kanilang selebrasyon ang iba’t ibang cultural activities tulad ng sta. Rosa Got Talent, Miss Gay, Barangay Night at Binibining Sta. Rosa. -Ulat ni Myrrh Guevarra