Gagamitin sa paglinang ng agrikultura sa Nueva Ecija ang mga binhi at mga bagong makinarya na ipinagkaloob kay Governor Umali sa ilalim ng Rice Program ng DA.

Pinuri naman ni Agriculture Secretary Dar  ang gobernador sa pagtatatag nito ng Provincial Food Council sa layuning bumili ng palay sa mas mataas na presyo para sa mahihirap na magsasaka na apektado ng Rice Tariffication Law.

Sa facebook ni Secretary Dar hininikayat nito ang iba pang local chief executives na tularan ang ideya ni governor umali upang suportahan ang sektor ng agrikultura.

Dumalo sa Meet and Greet with Dar ang executive director ng Philippine Carabao Center na si  Dr. Arnel Del Barrio kasama ang Daily Buffalo Cooperative, all chairman cooperative, servant leaders at ang mahigit limangdaang magsasaka na nagkaroon ng maunlad na pamumuhay dahil sa negosyong gatasan ng kalabaw na nagbahagi ng kanilang success stories.

Isa na rito si Mr. Leoncio Callo, CEO L&C Farms ng carabao-based family business owner na dating namamasukan lang bilang bodyguard, naging construction boy at ngayon ay isa nang ganap na negosyante.

Iningganyo rin ni Secretary William Dar ang mga magsasaka na ipamana o ipasa sa kanilang mga pamilya o mga kaanak ang negosyong gatasan ng kalabaw upang hindi mamamatay ang sektor ng pagsasaka na naging dahilan ng pagkakaroon nila ng maganda at maayos na pamumuhay.

Matapos ang programa ay masayang nagsalo-salo sa “boodle fight” ang lahat kasama sina Secretary William Dar at Governor Aurelio Umali.- Ulat ni Myrrh Guevarra/Clariza de Guzman