Umabot na sa isanglibo limangdaan at apatnaput walong katao ang nagkasakit ng dengue na naitala sa lalawigan ng Nueva Ecija mula January hanggang July 10, 2019.
Sa buong lalawigan, nangunguna ang Cabanatuan City sa may pinakamataas na bilang na umaabot sa tatlongdaan at labing isa.
Kasunod ang bayan ng Talavera, Gapan City, Sta.Rosa, Gabaldon, San Antonio, Guimba, Jaen, Palayan City at Zaragoza na may tig-iisang kaso ng dengue.
Habang pitong pasyente naman ang namatay mula sa mga bayan ng Gabaldon, Gapan, Bongabon, Lupao, san Isidro at Talavera.
Ayon kay Dra. Josefina Garcia ng Provincial Health Office, mahigit limangpung porsyento ang itinaas ng kaso ng dengue sa Nueva Ecija kumpara noong unang anim na buwan ng taong 2018.

Nakakabahala aniya ang mabilis na pagtaas ng kaso ng naturang sakit dahil halos linggo-linggo ngayong buwan ng hulyo ay may nabibiktima.
Kasalakuyan namang naka-admit ang mga pasyente sa public hospital sa PJG, samantala ang iba naman ay mga nasa district hospital at Gabaldon Medicare.
Paalala ni Dra. Garcia sa mga kabataan at estudyante na mag-ingat sa mga paaralan kung saan kadalasang pinupugaran ng lamok at sa mga basura o plastic bottles na itinatambak sa paligid lalo na sa mga kanal na hindi umaagos. -Ulat ni Myrrh Guevarra