Nagdiwang ang Malasakit OFW Family Circle of Nueva Ecija Inc. ng kanilang 2nd Founding Anniversary noong June 27, 2019 na may temang “Kapakanan at kagalingan Migranteng Novo Ecijano isulong MALASAKIT OFW” na ginanap sa Auditorium ng Provincial Government, Cabanatuan City.

Ayon kay Jobo Balaong, Officer in Charge ng OFW Help Desk, marami nang natulungan ang Malasakit Help Desk katulad ng pagpapauwi sa 30 OFW na minaltrato ng kanilang mga amo.

Isa lamang si Liwayway Paraguison sa mga OFW sa lalawigan na nakaranas ng pang aabuso ng amo sa ibang bansa, na natulungang makauwi ng Malasakit OFW Center ng Provincial Government.

Kinuwento rin sa amin ni Liwayway ang naging karanasan sa bansang Saudi, dala aniya ng matinding pangangailangan bilang single mom at may dalawang anak ay nagpasya itong mamasukan bilang domestic helper.

Nanghingi umano siya ng saklolo sa OWWA o Overseas Workers Welfare Administration sa Pilipinas hanggang sa nakarating  siya ng Philippine Embassy sa Saudi pagkatapos naman aniya sa Philippine Embassy sa Saudi ay pinamalagi siya sa Saudi Shelter na tumagal ng halos apat na buwan. Pinilit umano ng OWWA na mabigyan siya ng exit visa at ticket para makauwi na ng bansa.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran