Ipinagkaloob ng Department of Trade and Industry ang 2.5 milyong pisong halaga ng mga printer sa Nueva Ecija University of Science and Technology para sa labeling and packaging ng mga produkto.
Sa isinagawang launching ceremony ng DTI noong February 28, 2019 na ginanap sa Nieto Hall NEUST Sumacab Campus, Cabanatuan City ay pormal ng nilagdaan nina Provincial Director DTI Nueva Ecija Brigida Pili, Regional Director DTI Region 3 Judith Angeles at ang President ng NEUST na si Dr. Feliciana Jacoba ang kasunduan na pagmamay- ari na ng NESUT ang 2.5 million pesos na halaga naturang mga printer na gagamitin sa labeling at packaging ng mga produkto .
Kasama na rito ang Packaging supplies, Flyers, Promotional T Shirts, Fabric banner, brochure, Promotional Souvenirs gaya ng round fan, mug at button pin.
Ang mga makina ay sertipikadong eco – friendly at sumusuporta sa Green Economic Development
Ayon sa Provincial Director ng DTI NE Brigida Pili, tiwalang magiging matagumpay ang programang shared service facility dahil maayos at maganda ang mga output nito.
Paliwamag pa ni Pili na ang kikitain sa naturang programa ay mapupunta sa pagmementina ng pasilidad , mga equipments, sa utilities at pambili ng mga supplies.
Nakatakda naman maglunsad ng Full Processing Center ang programang Shared Service Facility ng DTI sa Central Luzon State University sa huling linggo ng Marso ngayong taon.