
Bumagsak ang Cesna 172P na eroplano na pag-aari ng Fast Aviation Academy sa Lingayen, Pangasinan sa palayan ng Barangay Homestead II, Talavera, Nueva Ecija , kahapon March 4, 2019.
Masuwerteng nakaligtas ang dawalang sakay ng eroplano na may body number na RP-C2847, kinilala ang mga pasahero na sina Maria Thalia Zeth Limpin Ruiz, bente dos anyos, estudaynte ng Fast Aviation Academy ng Lingayen, Pangasinan na taga Bayan Luma 5, Imus, Cavite at si Boni Sorgon Domopoy, trentay uno anyos, Flight instructor na tubong Barangay Libsong West, Lingayen, Pangasinan. Agad isinugod ang dalawa sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Hospital Talavera Extension upang mabigyan ng paunang lunas.

Ayon kay Toms Gulapa, na residente ng Barangay Homestead II , nabalot ng takot ang kaniyang mga ka-Barangay ng makitang pabagsak na ang naturang eroplano sa mga bahayan, anya mabuti na lamang at sa gitnang bukid nag-crash ang aircraft.
Ani, pa ng isang nakasaksi na si Lito Velasquez, may malakas na tunog na parang hand tractor silang narinig at nakita nilang nagpaikot– ikot muna ito sa ere bago tuluyang bumagsak.
Dagdag pa nito, nang mag-crash na ang eroplano at nakita nilang may babaeng lumitaw mula sa pinagbagsakan ay agad nilang pinuntahan at tinulungan. Sa panayam naman kay Chief of Police ng Talavera Police Station na si Police/Lieutenant Colonel Alexie Desamito, pauwi na sana nang Lingayen ang dalawang sakay ng Cesna 172P Plane ng biglang mag-crash ito dahil sa engine failure, pasado alas siete trenta’y singko ng umaga kahapon.

Bago pa aniya, bumagsak ang sinaksakyang eroplano ng dalawang survivor ay nakatalon na ang mga ito at bumagsak sa malambot na putikan kaya’t hindi nagtamo ng anomang sugat ang dalawa.
Nang aming kapanayanim ang mga survivor tumanggi naman silang magbigay ng pahayag. Mabilis namang nagpadala ng Bureau of Fire Protection at Police Talavera si Police/ Lieutenant Colonel Desamito sa lugar upang tiyakin ang seguridad ng lugar.