Dalawampu’t limang modelo ang binihisan ng Fashion Designer na si John Robert “Erjohn” Dela Serna para irampa ang kanyang pitong collection, sa ginanap na Nuevo Fashion Show sa Aura Club, Cabanatuan City, october 27, 2018.
Ito ay tribute show ng Fashion Designer para sa mga kababaihang dumaranas ng sakit na breast cancer. Kabilang na nga ang kanyang ina na lumaban sa sakit, tatlong taon na ang nakalilipas.
Dagdag pa niya, napakahalaga ng okasyon na ito dahil bukod sa inaalay niya ito para sa kanyang namayapang ina, kasabay din ito ng pagdiriwang ng kaniyang kaarawan at ito rin ang pinakamalaki niyang solo fashion show na ginanap sa sariling nitong bayan.
Pinatingkad ng mga modelo ang gabi sa pagrampa ng Pink Ribbon Collection na kilalang sumisimbolo ng pakikipaglaban sa breast cancer.
Ang pangalawang koleksyon ay ang Denims and Prints na nagmula sa sinabi ng kanyang guro na kung gaano siya kalakas at kahusay pagdating sa prints.
Pinakulay naman ng mga modelo ang gabi sa 3rd collection ni Dela Serna na tinawag na Pastel High Fashion dahil paborito niya ang color pastel. Ito aniya ang kasuotang nakakapagpalabas ng magandang pigura ng tunay na babae. Nairampa na rin ang mga kasuotan sa ginanap na Play Mutya ng Claver, sa Iloilo at maging sa New York.
Binuhay naman ng mga modelo ang ika-apat na koleksyon ni Dela Serna sa pagsuot ng kaniyang “Throwback Collection” na nagmula pa sa mga dati nitong shows.
Pinainit pa lalo ng mga modelo ang gabi sa pagrampa suot ang ika-limang koleksyon ni dela Serna na tinawag na The Floral Swimwear Collection- ito aniya ay hindi typical lang na swimwear dahil maari rin aniya itong gamitin pang- Outfit Of The Day o OOTD.
Binuhay din ng mga modelo ang pagiging makabayan sa pagsuot ng ika-anim na koleksyon ni Dela Serna na tinawag na Igorot Collection, dahil ang mga Pilipino ay mayaman sa kultura, bukod pa na nagmula rin siya sa angkan ng mga igorot.
At ang pang huli ay ang Luxe Wear Collection na itinuturing na top of the line ng Erjohn Dela Serna’s House of Designs. Mula sa cocktail, gowns hanggang ballgowns na sumisimbolo ng isang tunay na maharlika. Pinahanga ng mga modelo ang mga dumalong kaibigan at mga supporters ng fashion designer.
May mensahe naman kay Dela Serna ang mga kaibigan at itinuturing na mentor sa industriya.
Ang ay nagmula sa salitang espanyol na ang ibig sabihin ay bago na siyang naging pamagat ng tribute show.
Layunin nito ay para buhayin ang pagkakaisa ng mga modelo, make-up artist at mga fashion designers.-ulat ni Getz Rufo Alvaran.