Ang mababang pasweldo ang isa sa mga itinuturong dahilan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list kung bakit napipilitan umanong mag-loan sa iba’t ibang Lending Company ang mga guro. Ayon kay DepEd School Division Superintendent Ronaldo Pozon. Umaabot sa Php 17,000  ang neto ng mga Teacher 1 sa Public Schools na ayon naman sa ACT Party-list ay kulang upang mapunan ang mga pangangailangan ng mga guro.

“Teacher 1, May netong umaabot ng Php 17,000” –  Division Superintendent Ronaldo Pozon

Ayon kay School Division Superintendent Ronaldo Pozon  kadalasan ginagamit ng mga guro ang perang ito upang magpaaral din ng kanilang mga anak at upang mapunan ang iba rin nilang pangangailangan.

Dobleng sweldo ng guro, ipinangako ni Pangulong Duterte

Matatandaan naman  na ipinangako ni Pangulong Rodrigo  Duterte noong siya ay kumakandidato  na isa ang mga guro sa mga itataas ang sweldo kasunod ng mga sundalo at pulis na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng mga guro.

ACT Party-List Representative France Castro  nanawagan na ibigay na ang dagdag sweldo ng mga guro.

Kaya naman patuloy ang panawagan ni  Congresswoman France Castro na ibigay na ang hinihingi ng mga gurong dagdag sa sweldo para maiwasan na ang pag kapit ng mga guro sa iba’t ibang  Lending Company. – Ulat ni Amber Salazar